Lace Top from somewhere. I forgot. HAHA.
The watch is my mom's.
My Favorite Marilyn Monroe by Andy Warhol bag. :")
Cross necklace from Retreat.
Black Closed shoes from Parisian
Pants from Forever 21
UPCAT EXPERIENCE
August 5, 2012
12:00am na ako nakatulog.
3:00 am ako ginising ng aking alarm.
4:00 am na ako nakaligo.
5:30 am kameng nakaalis ng bahay.
6:00 am kame nakarting sa UP.
6:30 am kameng nagsimula para sa. UPCAT.
Memorable ang upcat exam ko. Marami akong natutunan sa araw na ito. Marami akong naging pagkakamali. Marami ang naging nakakatawang moments para saken. Maraming nangyari sa akin sa upcat exam. Marami na akong babaguhin sa aking sarili dahil marami akong narealize.
Tamad ako. Totoo ito. Sobra. Nagising ako ng 3am, di pa ako naligo. Meron akong manana habit. Ayaw ko na nun. Susubukan kong hindi lang ito hanggang saliita lamang pero hanggang gawa. Tulungan mo ko Lord!!
Baket ako late natulog? Nagkape kase ako. Di pa ko inaantok. Nagreview ako. Tama nga yung sinabe nilang magrelax a day before exams. Di ko pinapansin kase di ako naniniwala sa ganung pamamaraan. Now that i know what will be the result, susundin ko na ang advise nila. Gagawen ko to para sa test sa DLSU at UST.
Umuulan at kumikidlat habang kami'y papunta sa UP. Buti wala palang work si mama noong umagang yoon. Kaya hinatid niya kame. Si ate Abi ay kasabay kong pumunta at umuwi. May pasok na si mama nung tanghali kaya hindi na kame nasundo. Kumidlat ng napakalakas. Malapet lng ata samen yung kidlat na yoon. Naging puti ang paningin ko for 2 secs siguro. Ang weird talaga. Medyo takot pa naman ako sa kidlat. Sumakit ulo ko. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata.
Ayan! Nakarating na kame sa UP. sa wakas!! *riiiing. Riiiiiing. Riiiing* Nag alarm ang aking itouch. ang sabi,"Nasa UP ka na?". Ang sweet nohh. Tumawa ako Syempre. Ako naglagay nun bago ako matulog. Haha. Pinakita ko kay mama at ate. Natawa din sila. ang babaw ko sobra. Ang hyper ko nung time na yun ehh. Halo halong emosyon ang aking naramdaman. Lubbdubb lubbdubb lubbdubb. Napakalakas at napakabilis ng tibok ng puso ko. Ang oa noh? Pero sobrang kabado ako ehh. Sa malcolm hall ako magtetest. Naligaw kame medyo kase sinundan namen yung kotseng nasa harapan namen. Haha. Dahil dun, exit ang napuntahan namen. Ang benta saken. Nawala agad kaba ko. As in. Yayyyy. Haha. Umikot kame at bumalik sa aming pinanggalingan. Uso palang magtanong. Kaya nagtanong na kame for directions. Hayy. Sa sobrang kaba ko, nagrereply ako sa sinasabe nung tao sa radyo. Binabara ko sya. Ang sungit ko sakanya. Haha.
Ayan na. Malcolm hall. Nagpaalam na kame kay mama. Bumaba na kame at umalis na din siya. Niready ko na ang aking test permit. Tinawanan ako nung taong nagtitingin ng Test permit. May 2by2 kase dun. Edi ikaw na magwapo. Oo, inaamin ko, pangit ako dun. Please naman, sa harap ko pa ikaw tatawa?:)))) galing mo kuya!:))))
Pipila na ako. Narealize kong namumukaan ko yung nasa harap ko. Sinigurado ko muna bago ko sya tawagin. Di niya ako mapapansin kung di ko pa tinawag. Haha. Siya si faye. Taga school ko din. Mabaet yun at nakakatawa. Masaya ako dahil may kasama ako. Di kame gaanong close pero friends. By the way, parang mansion pala yung pinasukan ko. Parang ang yaman nung nakatira at na afford kameng ipagtest dun. Haha. Ang ganda.
Oonga pala, nawala bigla ang maganda kong eraser bago kame umalis. Nakuha pa niyang maglaro ng tagutaguan sa araw na ito. Ang galing galing. Pinahiram ako ni ate ng eraser niyang luma na. Eto yung eraser na may design na pambata. Luma na iyon. Matigas na. Parang di na nga nakakaerase ehh. Tama nga ako. Haha. Kumuha si mama ng cutter at parang tinasahan niya ang eraser. Medyo naging mas okay. Atleast may eraser ako!
Nakapasok na kame ng aming room. Nakalimutan ko yung room number. Magkatabi kame ni faye. Ang tahimik. Pina-cr na kameng lahat. Di pa ko naiihi kaya di ako pumunta sa cr. nagtext nlng ako. Ang laman ng aking bag ay reviewer, sandwich, tubig, BALLPENS, PENCILS, folder, protractor, pabango at higlighter. Useless ang iba kong gamet sa bag. Nung nilabas ko yung pencils ko, sabe ni faye na para daw akong si Mr. Bean nung nag exam sya. Natakot kase akong maubusan ng pencil eh. Haha. Dumating na ang mga nag cr. tahimik padin. *tenetenetenetene* Nag alarm ang magaling kong phone. Nakakahiya. Haha. Nagulat ako. Natawa kame ni faye. Hinanap ko pa yung phone ko sa magulo kong bag. Hayy. Antagal bago mawala yung tunog. Haha.
Bago daw kameng magsimula, kailangan ilagay sa harap ang lahat ng bag namen. Nilabas ko ang aking pagkain at tubig. Nangamoy bigla. Sandwich na may ham sa loob. Ako lang ata nakaamoy kase hindi nagreact yung mga katabi ko. o hindi lang nila talaga pinansin pero siguro sa isip-isip nila "Anubayaan. Ginawa naman niyang bahay to" =)) HAHA. Naglabas ako ng candy. Nilagay ko na ang aking bag sa harap.
Inexplain ng examiner ang aming gagawen. This and that. Ganyan ganyan. Nagsimula na kame. Language proficiency test ang unang exam. Eto yung naging pinakagusto ko sa exam. 50 mins ang nakalaan na oras para sagutin namin ito. Pagkaraan ng 50 mins, nag exam na kame sa science. Natapos ang science. Pinatayo kameng lahat at sinabi ng aming examiner na pwede kaming magstretching. Sinulit ko na itong pagkakataon. Ako ata yung may pinakamalaking stretch na ginawa. Bahala na. Maaaring hindi na nila ako maalala. Math na. Hindi ito madali. Maraming nagsasabe na madali ang exam. Edi kayo na. Sana kahit di ako nadalian, pumasa parin ako sa UP. Ayaw ko nung mathematics part. We were given an hour and 10 minutes. Ansaket ng tiyan ko. Hindi pala. Sumakit bigla ang aking puson. Nagtubig na lamang ako. Pagkatapos ng math part ay ang reading comprehension. Nagcr na ako dito. Ang layo ng cr. muntik na kong maligaw kung hindi lang sinabe ng lalaki na nandun kung saan yung cr. walang sign na nakalagay kung saan ang cr. Pagbalik ko, tinuloy ko ang aking exam. Pagkaraan ng 20 mins siguro yoon....
Sumakit bigla ang ulo ko at aking mga mata.
Nagblurr ang aking paningin.
Nahirapan akong magbasa.
Sumabay pa dito ang saket ng aking puson.
Pinagkakaisahan ako ng sarili kong katawan. Naghihiganti sila dahil di ko sila pinagpahinga ng maayos.
Tumingin nlng ako sa labas. Sa window pala. May pagkalayo yung window sa aking kinauupuan. Dun ko lamang makikita yung green color kaya dun ako tumingin. Nahihilo na ako. Di parin umepekto yung berdeng kulay dahil nasasapawan ng napakaliwanag na ilaw ng kwarto. Di ko na kaya. Namumutla na ata ako nun. Di ko na mabasa. Sinubukan kong magpikit ng mata.
Close open close open.
Sinubukan kong tumingin na lamang sa malayo. Napansin na ata ng examiner na masama ang aking pakiramdam kaya siya ay tumititig sa akin. Tinakpan ko ang kaliwa kong mata at medyo naging mas okay ang pagbabasa ko. Pero nandoon parin ang sakit ng ulo ko. Ang drama naman ng upcat exam ko. Inatake ata ako ng anxiety, tension o stress. Di ko alam. Basta kung ano man yun, yun yon. Malapit na matapos ang oras. Di ko na naintindihan yung tagalog part sa reading comprehension. Hinulaan ko. Nawala sa isip ko na pwede palang mag iwan ng blanko. Nakakainis. 1/4 right minus wrong. Sayang yung mga tama kong sagot. Umaasa nlng ako sa luck ko para sa araw na iyon. Ngunit minalas ata ako. Natapos na ang reading comprehension.
May bago sa Upcat exam. Ito yung essay part. Akala ko nung una, explaining. Buti naman hindi. About sa sarili mo. Nasagutan ko sya agad. Ayoko na ikwento kung ano ang tanong at aking sagot. Baka matawa yung friends ko ehh. Nakakahiya. Joke. Haha. Naisip kong magtagalog. Nasulat ko na ang una kong sentence. Ngunit... Natakot akong magkamali sa grammar at spelling kase masnasanay akong magtaglish :( binura ko ito gamit ang maganda kong eraser. Hindi mabura ng maayos. Ang dumi na ng paper ko. Ang dugyot tignan. Nag wikang ingles na lamang ako. 15 minutes lamang ang nakalaan na oras upang matapos namin ang aming exam.
Yay. Tapos na ako. Natapos ko din ang una kong exam. Ang pinakaunang college entrance exam ko. Unang step patungo sa aking mga pangarap.
Business administration ang una kong pinili. Sumunod ang clothing technology. Parehas namin ni papa gusto ang business ad. Pinili ko ito para maayos akong magkaroon ng business. Naglink padin ito sa fashion. Magbebenta ako ng mga damit na gawa ko. Gusto ko sanang maging partner si Steph paglaki. Magaling din siya sa paghugit ng mga damit. Kshare. Clothing tech ang second choice ko kase ayaw ni papa yoon. Sana makapasa tlga ako sa UP :(
Natapos ang exam. Sabay kami ni faye na bumaba. Nagkwentuhan kame. Ganyan ganyan. Nakita namen si Amping at Jeanine. Ang hyper nila. Nag hi sila. Nag hi din kami. Sila ay umakyat dahil mageexam din sila. Kasama ko pala kanina sa room yung nakasama ko sa AHEAD. I forgot her name. :( Close siya ni kiara dun. :) Anna ata o Alex. Basta A yung simula. A b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z. Ewaaan. Basta may letters.
Nakita din si Anne Marie. Kasabay pala namin siyang magexam sa Malcolm hall. Iba lang yung room niya.
Nagpaalam na ako sakanila at pinuntahan ko si ate sa may kanto.
Nagugutom akooo. Naglakad kame upang mapuntahan ang kainan na sinasabe niyang masarap. Pumunta kame sa rodic's. Kumain ako ng tapsilog. Ang sarap. Punong puno ang aking plato. Dinagdagan pa ni ate ang kainin at ulam ko dahil medyo busog pa daw siya. Nag icecream pa ako pagkatapos. Rasberry flavor. May real fruits sa loob. Ang galing. Mura lamang siya.
Forgive my faceeee:(
Ayan, home sweet home. Humiga ako sa aking kama. Ikinwento ko sa aking mga kaibigan ang nangyare sa akin. Unique experience.
Sana talaga matauhan ako. Sana magbago ako. Sana magamit ko itong experience para sa future. :) sabi nga ng aking kaibigan na si Jimlie (www.oyensigepasigepa.blogspot.com) na "experience is our best teacher" naniniwala din ako dun. Basahin ninyo ang blog niya ahh. Napakagaling niyang sumulat. Sinsabi niya ang lahat ng nasa isipan niya. Gusto na daw niyang idelete. Pigilan niyo, pls?:)
Para sa mga hindi pa nakaeexam. Para sa mga wala pang experience sa college exams. Para sa mga taong tulad ko.....
Huwag kayong magaral before college entrance exams. Baka matulad kayo sa akin. Hindi maganda sa pakiramdam. Di ako nagsisinungaling. Totoo ang aking sinasabi. Magrelax at matulog ng maaga. Magaral weeks before the exam. Sumunod sa mga payo ng mga nakakatanda. Huwag na maging tamad. Unahin ang pagaaral. Huwag muna love life.
Hayyy. UP. Sana maabot ko parin ang aking mga pangarap. Alam kong masyadong mataas ang mga pangarap ko. Tiwala lang at sipag. Makakamit ko din yan! Kaya ko ito.
Pagpasensyahan niyo na please ang wrong grammar at spelling. Sorry kung napakahaba. Sana naman may nabahagi akong kwento na ikapupulutan ninyo ng aral. Sana may matutunan kayo.
Sabi nga ng aking kaibigan na si Marge.... May blog din pala siya. Idol ko ito. Napakatalented. Mahusay din siyang magsulat. Bashin niyo ah.www.kapitanwho.tumblr.com
Sabi nga niya, libreng manlait. Please? Sabihin ninyo ang totoong nararamdaman ninyo. Magcomment kayo. Magkwento din kayo ng UPCAT EXPERIENCE ninyo.
So, tell me your story. How is your upcat experience? Ano ang pinakanagtatak sa utak ninyo sa araw ng exam ninyo? May natutunan din ba kayo, tulad sa akin? Share your blessings. Share your knowledge. Huwag madamot. :)
-Bea. :)
No comments:
Post a Comment